Pagkasawi ng 8,500 batang Pilipino maiiwasan

|
MALDIVES (July 14, 2009) – Hindi kailangang masawi sa aksidente at pananakit ang may 8,500 batang Pilipino kada taon kung mabibigyan sila ng sapat na proteksyon ng pamayanan at pamahalaan, ani Senator Loren Legarda kahapon.


Ang pahayag ay ginawa ni Loren bilang suporta sa isang programa ng Department of Education na magbibigay-kaalaman sa mga estudyante sa elementarya at sekondaryang mga paaralan kung papaano mapapahalagahan ang kanilang sariling kaligtasan.


“This initiative by the DepEd is most welcome as our children must be well-informed on how they can protect themselves from injury as well as from exploitation,” sabi ni Loren, na nasa Maldives bilang head ng delegation ng United Nations International Strategy for Disaster Reduction (UNISDR).


Sinabi ni Loren na sa tahanan, eskwelahan at lansangan man ay nalalagay sa panganib ang buhay ng maraming bata, batay na rin sa pag-aaral na isinagawa ng Safe Kids Philippines na sa 8,500 mga batang Pilipino na namamatay sa aksidente kada taon, 3,600 sa kanila ay sa mga kalsada sinasamang-palad.


“Children are most vulnerable to hazardous conditions that may be prevailing in some schools, whose construction may not meet safety standards or whose features like stairs and balcony railings may be contributory to preventable accidents,” anya.


Ayon sa SKP ay 20 milyong bata ang naglalakad patungo sa kanilan paaralan kada araw.


“They must also be protected against elements that take advantage of their innocence, and I am referring to drug pushers and other lawless elements, including sexual predators who had gone high-tech through the internet in luring in unsuspecting children,” anang mambabatas.


Ayon sa DepEd ay isasama ang special safety lessons sa Sibika at Kultura sa elementarya at sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika sa high schools.

0 comments:

Post a Comment